Tungkol sa

About family
Ang California Mortgage Relief Program ay naglalaan ng mga gawad sa mga libong mga karapat-dapat na may-ari ng bahay upang mapagaan ang kanilang pananalaping paghihirap bunga ng pandemyang COVID-19. Ang mga pondo ay di kailangang bayarang pabalik at ang programa ay walang bayad.

Ang California Mortgage Relief Program ay pinondohan ng 2021 American Rescue Plan Act’s Homeowners Assistance Fund. Ito ay naglalaan ng tulong sa mga kuwalipikadong mga may-ari ng bahay na nahuhuli sa kanilang bayarin sa pabahay, buwis sa ari-arian, may bahagyang paghahabol sa pangalawang mortgage o mga pinagpalibang utang nakuha dahil sa pananalaping paghihirap dulot ng pandemya.

  • Nakaraang mga bayarin sa mortgage
  • Nakaligtaang mga buwis sa ari-arian
  • Mga bahagyang paghahabol at napagpalibang utang nakuha noon o matapos ang Enero 2020
  • Mga di-nabayarang reverse mortgage

Ang programa ng estadong ito ay pinamamahalaan ng CalHFA Homeowner Relief Corporation.

Term Sheet ng California Mortgage Relief Program (tulad ng naaprubahan ng U.S. Department of Treasury).

 

 

Kaluwagan sa Mortgage at Bahagyang Paghahabol /Pinagpalibang Utang

Buwis sa Ari-arian

Mag-klik dito upang suriin ang iyong pagiging karapat-dapat at mag-aplay.

Mga Kalahok na Serbisyo ng Mortgage.

Mga Karaniwang Taong

Ano ang Programa ng California sa Tulong sa Utang sa Pabahay?

Ang California Mortgage Relief Program ay naglalaan ng tulong upang matakpan ang nakaligtaang mortgage o mga bayarin sa buwis sa ari-arian para makatulong sa mga may-ari ng bahay na may mortgage, reverse mortgage, o mga mortgage-free. Ang mga grants ay tumutulong sa mga may-ari ng bahay na may pananalaping paghihirap sa panahon ng pandemyang COVID-19.

Ang tulong na nilaan sa pamamgitan ng programang ito ay hindi utang at hindi kailangang bayaran pabalik. 

Bakit mahalaga ang programa?
Ang California Mortgage Relief Program ay tumutulong sa mga libong mga may-ari ng bahay sa California na makabalik sa dating kalagayan sa pamamagitan ng pag-aalok ng pananalaping tulong sa mga karapat-dapat na mga may-ari ng bahay na hind kailangan bayaran pabalik. Ang ibig sabihin nito, ang mga may-ari ng bahay na nahuhuli sa kanilang bayarin sa mortgage o buwis sa ari-arian o may mga bahagyang paghahazbol sa mga pangalawang mortgage/mga pagpapaliban sa utang dahil sa may kaugnayan sa pandemyang paghihirap sa pananalapi ay magkakaron ng panibagong pagsisimula. Ang mga may-ari ng bahay na napagtibay sa mga grant ay dapat makipag-usap sa isang tax professional tungkol sa anumang epekto nito sa kanilang mga buwis sa kita. 
Sino ang kwalipikado?

Meron mang mortgage, isang reverse mortgage, o mortgage-free, ang programa ay bukas sa lahat ng mga may-ari ng bahay sa Californiang nakakatugon mga pangangailangan. Ang mga may-ari ng bahay ay karapat-dapat kung sila ay:

  • Nakalampas ngdi bababasa dalawang bayarin sa kanilang pangunahing mortgage at kasalukuyang nahuhuli sa pagbyad; o
  • May utang sa hindi nababayarang buwis sa ari-arian (ito man ay binabayarang tahasan sa kanilang county o bahagi ng iyong bayarin sa mortgage; o
  • Have a partial claim or loan deferral (If you are applying for help with your partial claim or loan deferral, but you are also behind on your mortgage, please also apply for mortgage assistance); or
  • May reverse mortgage at may utang sa kanilang tagapaglingkod sa nakaraang bayarin sa buwis sa ari-arian at/o insurance.

Dapat matugunan ng lahat ng mga aplikante ang mga sumusunod na kinakailangan:

  • Ang kita ng sambahayan ay nasa o mas mababa sa limitasyon ng kita ng county (150% ng Area Median Income ng kanilang county, batay sa mga pederal na limitasyon na itinakda para sa programang ito);
  • Nagma may-ari at nakatira sa isang bahay na pang-isang pamilya, condo, o pangmatagalang nakakabit na ginawang bahay o ari-ariang hanggang apat na unit; at
  • '-Nakaranas ng isang paghihirap sa pananalaping may kaugnayan sa pandemya matapos ang Enero 21, 2020 – ito man ay dahil sa pagkawala ng kita o paglaki ng gastusin ng sambahayan.

Karagdagang pangangailangan ay kailangang matugunan ayon sa uri ng tulong na kailangan. Ang mga karagdagang kaalaman sa mga pangangailangan sa pagiging karapat-dapat ay makikita sa pahinang Who is Eligible . Para sa mga tanong pa tungkol sa pagiging karapat-dapat, ang Contact Center ay matatawagan Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng 8 AM and 6PM PST.

Kung ang iyong aplikasyon para sa mortgage o reverse mortgage na tulong ay tinanggihan, maaari kang maharap ng paghahabol sa pamamagitan ng pagsagot sa talatanungan sa Application Intake Portal. Tutukuyin ng talatanungan kung maaari mong isulong ang iyong apela.

Kung ang iyong aplikasyon para sa tulong sa buwis sa ari arian ay tinanggihan, maaari kang maghabol sa kapasyahan sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected]. Mangyaring isama ang anumang kasulatan upang magpatotoo sa iyong paghahabol.

Ang mga ay maari lang magkaroon ng isang buhay na aplikasyon sa proseso ng pagsusuri sa isang pagkakataon.

Gaano kalaking tulong ang makukuha ko?
Ang mga may-ari ng bahay ay maaaring maging karapat-dapat ng hanggang sa pinakamalaking halagang na $80,000 na tulong bawat sambahayan.  

  • Para sa mga may-ari ng bahay na may mortgage o reverse mortgage, ang mga pondo ay sumasakop sa buong halaga ng nakalampas na halagang utang sa nagpahiram. Ang mga may-ari ng bahay na pabaya ng higit $80,000 sa oras na ibigay ang kanilang aplikasyon ay hindi karapat-dapat sa tulong. 
  • Para sa mga may-ari ng bahay na tahasang nagbabayad ng kanilang buwis sa ari-arian sa kanilang county, ang mga gawad mula sa Programa ay maaaring gamitin upang pondohan ang nakalipas na bayarin na utang sa maniningil ng buwis sa iyong county.  
  • Grants from the Program may also be used to reduce or eliminate an existing partial claim or loan deferral received during or after January 2020. To receive this assistance, homeowners must be caught up on mortgage payments or also apply for help with late mortgage payments (must have missed at least two payments by August 1, 2023).   

Ang tulong na maibibigay sa pamamagitan ng California Mortgage Relief Program ay hindi isang utang at hindi kailangan bayarang pabalik. Ang mga may-ari ng bahay na makatatanggap ng mga gawad na ito ay dapat kumausap sa isang tax professional tungkol sa anumang kahihinatnan nito sa kanilang mga buwis sa kita.

Ang mga sambahayan ay pahihintulutan na ngayong mag-apply sa karagdagang tulong, kahit na sila ay nakatanggap na dati ng pondo, na ang bawat sambahayan ay maaaring karapat-dapat na makatanggap ng pinakamataas na $80,000 na kabuuang tulong. Dapat matugunan ng sambahayan ang iba pang mga pangangailangan para sa karagdagang tulong para sa bagong aplikasyon. Ang mga aplikante ay maaring magkaroon lang ng isang buhay na aplikasyon sa proseso ng pagsusuri sa isang pagkakataon.

Kung ako ay nakatanggap na tulong mula sa ibang programa, maaari ba akong mag-reapply para sa dagdag na pondo?

Ang mga karapat-dapat na mga may-ari ng bahay ay maaaring mag-apply nang maramihang beses para sa mga pagpipiliang tulong at makatanggap nang hanggang $80,000 na pondo, kahit na sila ay nakatanggap na ng grant mula sa California Mortgage Relief Program. Sa oras na ang karapat-dapat na may-ari ng bahay ay nakatanggap na $80,000 sa kabuuang tulong, sila ay naabot na ang hanganan ng tulong ng programa. Kailangan mong matugunan ang lahat ng mga iba pang pangangailangan sa pagiging karapat-dapat sa oras ng paghaharap ng bagong aplikasyon.

Maaari pa ba akong mag-apply kung ako ay may active application?

Sa pagpapalawak ng programa, ang mga may-ari ng bahay na dati nang nag-apply sa programa ay maaring mag-reapply para sa karagdagang tulong. Ngunit, ang mga aplikante ay maaaring magkaroon lang ng isang aplikasyon sa panahon ng pagsusuri. Kung ang unang aplikasyon ay napagtibay, natanggihan o kinansela, at ikaw ay nahuli uli sa pagbabayad o may iba pang pagbabago sa katayuan, maari kang mag-reapply. Anumang mga karagdagang aplikasyon ay hindi ipoproseso kung ang iyong unang aplikasyon ay nasa proseso pa ng pagsusuri.

Kung ako ay nakapag-apply na o nangangailangan ng tulong sa higit sa isang larangan (i.e., kaluwagan sa mortgage at buwis sa ari-aran, o kaluwagan sa mortgage at bahagyang paghahabol sa pangalawang mortgage/pagpapaliban ng utang, anong uri ng tulong ang dapat kong piliin sa Application Questionnaire?

Ang mga karapat-dapat na mga may-ari ng bahay ay maaari na nagyong makatanggap ng maramihang grant awards , hanggang sa pinakamataas na halagang $80,000 sa kabuuanin tulong. Kung nais ninyong mag-apply para sa tulong sa mahigit sa isang lugar, maaari niyong piliin ang lahat na babagay sa Application Questionnaire. 

Ano ang itinuturing na kahirapan sa pananalapi?

Para sa Programa ng California sa Tulong sa Pabahay, ang kahirapan sa pananalapi ay maaaring dala ng nabawasang kita, o pagtaas ng mga gastusin sa pamumuhay dahil sa pandemyang COVID-19. Ang mga halimbawa ng mga gastusin sa pamumuhay ay mga medikal na gastos, nadagdagang dami ng naninirahan sa sambahayan, o mga gastos sa serbisyo ng yutilidad. 

Anong impormasyon ang kailangang ibigay ng isang aplikante?

Kasama sa isang halimbawa na listahan ng mga dokumentong dapat ipunin bago kumpletuhin ang aplikasyon ay:

  • · Kasulatan ng utang sa pabahay
  • · Kasulatan ng mga salapi sa bangko
  • · Bayarang yutilidad
  • · Dokumentasyon ng kita (hal., tiketa ng suweldo, dokumento sa pagbayad ng buwis, o dokumento ng kawalan ng trabaho

Batay sa kanilang mga kakaibang kalagayan, ang ibang aplikante ay nangangailangang magbigay ng iba't ibang uri rin ng kaalaman. Mas maraming kaalaman sa mga dokumentong kailangan ay makikita sa pahinang Who is Eligible .

Kwalipikado pa ba ako kung nakatanggap na ako ng tulong ng gobyerno na may kaugnayan sa COVID-19?
Ang Programa ng California sa Tulong sa Utang sa Pabahay ay bukas sa mga may-ari ng bahay kahit na nakatanggap sila ng tulong sa gobyerno mula sa iba pang mga programa sa COVID-19, tulad ng Batas ng CARES, Batas ng Konsolidadong Apropriyasyon ng 2021 o ang Batas ng Plano sa Pagsagip sa mga Amerikanong Mamamayan.
Paano ko malalaman kung ano ang aking Karaniwang Kita sa Lugar (Area Median Income o AMI)?

Maaari mong malaman kung natutugunan mo ang mga kinakailangan sa kita sa pamamagitan ng paggamit ng AMI calculator na makikita sa home page ng website ng California Mortgage Relief Program. Ang mga may-ari ng bahay ay karapat-dapat para sa tulong mula sa programa kung ang kita ng kanilang sambahayan ay nasa o mas mababa sa limitasyon ng kita ng county (150% ng AMI ng kanilang county, batay sa mga pederal na limitasyon na itinakda para sa programang ito). Ang AMI ay nag-iiba ayon sa county at laki ng sambahayan.

Paano tinutukoy ang mga limitasyon ng kita para sa programa?

Ang mga limitasyon sa kita ay tinutukoy ng U.S. Department of Housing and Urban Development. Ayon sa U.S. Treasury Guidance para sa Homeowner Assistance Fund, maaaring maging karapat-dapat ang isang may-ari ng bahay para sa tulong kung ang kita ng kanilang sambahayan ay nasa o mas mababa sa 150% ng Area Median Income ng kanilang lokal na county, o nasa o mas mababa sa 100% ng U.S. Median Income, alinman ang mas malaki.

Kung ako ay nagmamay-ari ng dalawang ari-arian, isang aking tinitirahan at isang aking pinauupahan, makakatanggap ba ko ng pondo mula sa programa? Sinabi ng programa na maaari akong magmay-ari ng maraming mga units.

Para maging karapat-dapat, ang mga may-ari ng bahay ay maaari lang magmay-ari ng isang ari-ariang tirahan at hindi makakatanggap ng pondo kung sila ay nagmamay-ari ng maraming ari-arian. Gayunpaman, ang karapat-dapat na may-ari ng bahay nag-iisang ari-arian ay maaari ng mga sumusunod:

  • Sariling tirahan
  • Duplex
  • Triplex
  • 4-plex
Kung ang resulta ng aking Application Questionnaire ay nagsasabing hindi ako karapat-dapat, maaari pa rin ba akong magpuno ng aplikasyon?

Kung ang Application Questionnaire ay nagsasabing hindi ka karapat-dapat para sa isang tulong, inirerekomenda naming makipag-ugnay sa isang sertipikado ng HUD na tagapayo sa pabahay sa 1-800-569-4287 upang talakayin ang ibang mga mapagpipilian na maaari mong gamitin.

Saan ko makukumpleto ang aking aplikasyon?

Maaari mong tingnan kung karapat-dapat kang mag-apply para sa California Mortgage Relief Program sa pamamagitan ng pagtungo sa CaMortgageRelief.org at pag-click sa buton na “Mag-apply Ngayon”. Ang mga may-ari ng bahay na nakakatugon sa mga pamantayan sa pre-screening ay maaaring kumpletuhin ang aplikasyon para sa pagpopondo. Ang tulong sa aplikasyon ay makukuha sa pamamagitan ng Contact Center ng programa sa 1-888-840-2594.

Saan ako makakakuha ng mas malalimang tulong sa pagsagot sa aking aplikasyon?

Para sa mga tanong tungkol sa inyong aplikasyon, o mga tanong tungkol sa programa, makakakuha ang tulong sa pamamagitan ng Contact Center ng programa sa 1-888-840-2594 Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng 8AM and 6PM PST.

Para malaman kung merong tulong na lokal na malapit sa iyo, tumungo sa pahina ng Community Based Organizations.

Para sa tulong na magpasya kung ang programang ito ang pinakamagandang pliin para sa inyong kalagayan sa pabahay, makipag-ugnayan sa isang HUD-Certified Housing Counselor/ (https://www.consumerfinance.gov/find-a-housing-counselor/ ).

O

Ang libreng pambatas ng tulong para sa mga may-ari ng bahay, kabilang na ang pag-iwas sa pagkaremata at tulong sa aplikasyon sa California Mortgage Relief Program, ay makaukuha sa pamamagitan ng mga samahang nakatala sa pahina ng Tulong Pambatas o Legal Assistance page.

Mayroon bang huling petsa ng pag-aplay?

Ang programa ay mananatiling bukas hanggang ang lahat ng pondo ay naigawad sa mga may-ari ng bahay sa California, na ang wakas ay tinataya sa taong 2025. Habang walang hangganan sa pag-aaply, ang mga pondo ay igagawad sa batayang first come first served.

Gaano katagal bago suriin ang aking aplikasyon?

Ang mga kumpletong aplikasyong may kasamang lahat na kailangang kasulatan ay maaaring umabot nang ilang linggo mula sa petsa ng pagbigay ng aplikasyon hanggang ang kwalipikadong aplikante ay matanggap ang pinagtibay na pondo. Ang California Mortgage Relief Program ay nakatuong tumulong sa mga may-ari ng bahay sa lalong madaling panahon.

Kung mapagtibay ang aking aplikasyon, maipapadala ba ang mga pondo sa akin?

Ang mga pondo sa mga mapagtitibay na aplikasyon ay mapupunta nang tahasan sa samahan/entity na pinagkakautangan ng mga pondo, siya man ay tagapaglingkod ng mortgage o isang tagalikom ng buwis ng county. Ang mga pondo ay hindi kailanman nilaan nang tahasan sa mga aplikante.

Kapag naaprubahan ang aking aplikasyon, gaano katagal bago makatanggap ng tulong pinansyal?

Sa oras na mapagtibay ang isang aplikasyon, ang California Mortgage Relief Program ay makikipagtulungan nang husto sa inyong tagapaglingkod sa utang o tagapaningil ng buwis sa county upang maproseso agad ang mga kabayaran. Kami ay nakatuong tumulong sa mga may-ari ng bahay sa lalong madaling panahon.

Ang aking aplikasyon ay tinanggihan. Mayroon bang proseso ng pag-apela? Maaari ba akong mag-aplay muli?

Kung an inyong aplikasyon para sa tulong ay tinanggihan, meron kayong hanggang tatlumpung araw matapos ang pagtanggi na magharap ng apila sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa Application Intake Portal.Ang mga katanungan ang magsasabi kung kayo ay dapat magpatuloy sa inyong apila. Kapag naghaharap ng apila, mangayring isama ang anumang mga dokumentong tutulong sa inyong apila.

Kapag naibigay niyo na ang inyong apila, ito ay susuriin, at kayo ay sasabihan kung kailangan ng dagdag na kaalaman o kung may kapasyahan na tungkol sa inyong apila.

Kung kayo ay may mga tanong tungkol sa mga dahilan sa inyong pagkatanggi na kailangan niyong mabigyan ng sagot bago kayo magpasya kung kayo ay mag-aapila, mangyaring tumawag sa Contact Center sa 1-888-840-2594.

Maaari rin kayong mag-reapply para sa programa sa pamamagitan ng pagharap ng bagong aplikasyon. Makakapagharap kayo ng bagong aplikasyon sa pagtungo sa CaMortgageRelief.org at i- click ang Apply Now.

 

Ang nakasaad na dahilan ng aking pagtanggi sa aplikasyon ay hindi na ako atrasan sa aking mga pagbabayad sa mortgage. Gayunpaman, naniniwala ako na ako ay nasa likod. Bakit ginawa ang determinasyong ito?
Ang mga karapat-dapat na mga may-ari ng bahay ay dapat nahuhuli sa hindi bababa sa dalawang mga bayarin sa kanilang mortgage dalawang buwan bago ang Agosto 1, 2023, at kasalukuyang nahuhuli sa bayarin. Kung ang utang sa bahay ng aplikante ay kasalukuyang nakakahabol dahil sa tulong na inalok na kanilang kumpanya ng pautang—kasama ang may kaugnayan sa COVID na napagpalibang utang o bahagyang paghahabol – ang mga may-ari ng bahay ay karapat-dapat na ngayon sa tulong (tingnan [link sa pagiging karapat-dapat])..

Ang iyong pagiging karapat-dapat ay hindi maaapektuhan kung ang iyong loan ay naibenta o inilipat sa ibang kumpanya. Kung, sa panahon ng transaksyong iyon, ang bagong tagapagpahiram ay nagdadala ng kasalukuyang utang dahil sa isang napagkasunduang pagbabago sa pautang, kung gayon ang utang ay hindi magiging kwalipikado dahil hindi na ito lagpas sa takdang panahon.

Para manatiling nakakaalam sa pinakahuling pangyayari sa programang makaakapekto sa inyong pagiging karapat-dapat sa hinaharap, hinihikayat namin kayong magpatala para makatanggap ng eNewsletter sa Stay Informed section ng California Mortgage Relief Program website.. Hinihikayat namin ang mga may-ari ng bahay na hindi kwalipikado para sa programang ito ngunit nangangailangan ng tulong sa pag-alam ng kanilang mga papipilian, kabilang ang iba pang mga programa ng tulong, na makipag-ugnayan sa isang tagapayo sa pabahay na sertipikado ng HUD sa 1-800-569-4287. 

Humanap ng isang HUD-Certified na Tagapayo sa Pabahay na Malapit sa Iyo

 

Maari ba akong mag-aplay muli kung ang aking aplikasyon ay nakansela dahil sa paglipas ng higit 30 araw upang makumpleto ito?

Oo, kung nakansela ang iyong aplikasyon, maaari kang muling mag-apply sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng California Mortgage Relief Program at pag-click sa button na “Mag-apply Ngayon”. 

Ang mga aplikante ay maaring magkaroon lang ng isang buhay na aplikasyon sa isang pagkakataon.

Mayroon bang papel na aplikasyon na maaari kong kumpletuhin at ipadala sa koreo?

Ang mga aplikasyon ay dapat matapos online: gayunpaman, ang mga tagapayo sa pabahay o katuwang na community-based organizations ay nakalaang tumulong sa pagkumpleto at pagbigay ng iyong aplikasyon.

Upang malaman kung may taong malapit sa iyong personal na makakatulong, mangyaring tumungo sa Community Based Organizations page. page.

 

Aling mga wika nakasalin ang aplikasyon?

Ang aplikasyon ay makukuha sa anim na wika: Ingles, Espanyol, Tsino, Koreyano, Biyetnamis, at Tagalog.

Ang Contact Center ay makapagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng telepono sa mahigit sa 200 wika. Upang makipag-usap sa isang kinatawan ng California Mortgage Relief Program, tumawag sa 1-888-840-2594 Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng Ika-8 nang umaga at ika-6 nang gabi PST.

Kung walang akong iskaner, maaari ko bang gamitin ang aking telepono upang kunan ng larawan ang aking Tarheta sa Panglipunang Seguridad (Social Security Card) at iba pang mga dokumento at i-aplowd ang mga ito sa aking aplikasyon?

OO, ang mga dihital na larawan ng mga dokumento ay itinuturing na katumbas ng mga na-iskan na dokumento. Siguraduhin na ang mga larawan ay kinunan sa liwanag at nababasa.

Kung hindi ko matapos ang ang aking aplikasyon sa isang pagkakataon, maaari ko bang ipagpatuloy ito sa ibang pagkakataon?

Ang application portal ay magtatago ng mga kaalaman upang mabalikan ninyo ang inyong napag-iwanan. Ang mga may-ari ng bahay ay mayroong 30 araw upang makumpleto ang kanilang aplikasyon at magbigay ng mga kailangang kaalaman. Makaraan ang 30 araw, kakanselahin na ang aplikasyon.  

Kapag natapos ko na ang aplikasyon ko, maa-akses ko pa bai to kung kailangan kong gumawa ng mga pagbabago?

Sa oras na maibigay na ang aplikasyon, ito ay ililipat para masuri at hindi na kayo makapagbibigay ng dagdag na pagbabago. Gayunpaman, ang isang dalubhasang manunuri ay makikipag-ugnayan sa inyo tungkol sa inyong aplikasyon kaya maari ninyong mapag-usapan ang mga pagbabago. Ang mga aplikate ay maari ring tahasang magpadala ng mensahe sa kanilang manunuri sa application portal.

FAQ section