Tulong
Legal na Tulong
E-Koreo
HUD-Certified Housing Counselors
Iba pang mga Mapagkukunan
Mga Kategorya
Iba Pang Mapagpipilian para sa Tulong sa Kaluwagan sa Mortgage
Tulong sa Pabahay at Utility
Mga Serbisyo sa Pagtatrabaho at Pagsasanay
Mga Mapagkukunan sa COVID-19
Proteksyon sa Pananalapi at mga Scam
Tulong para sa mga Negosyo
Lunas sa Utang sa Credit Card
Saklaw ng Medikal at Pangangalagang Pangkalusugan
Tulong sa Serbisyong Pantao
Tulong sa Pagkain
Iba Pang Mapagpipilian para sa Tulong sa Kaluwagan sa Mortgage
Federal Housing Finance Agency (FHFA) Mortgage Assistance: Ang FHFA ay nangakong tulungan ang mga may-ari ng bahay na napinsala ng di-katatagan sa pabahay. Sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan, sila ay nag-aalok ng mga mapagkukunan para mapabuti ang katayuang pananalapi sa pabahay at lutasin ang usapin sa mga entidad na kanilang pinamamahalaan gaya ng Fannie Mae, Freddie Mac, at Federal Home Loan Banks. Ang mga may-ari ng bahay nahaharap sa kahirapang pangkabuhayan ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa kanilang tapaglingkod ng mortgage para sa mga pagpipiliang makakagaan.
Consumer Financial Protection Bureau (CFPB) Homeowner Assistance Funds: For homeowners who don’t qualify for the Homeowner Assistance Fund (HAF) but are facing financial difficulties, the Consumer Financial Protection Bureau (CFPB) offers guidance on mortgage forbearance. Forbearance allows homeowners to pause or reduce mortgage payments temporarily. Eligibility requires experiencing financial hardship due to the pandemic, and it’s applicable to federally backed and some non-federally backed mortgages. The initial forbearance period typically lasts 3 to 6 months, with possible extensions. Homeowners are encouraged to contact their mortgage servicer and consider consulting a HUD-approved housing counselor for personalized assistance and planning.
Tulong sa Pabahay at Utility
California Department of Real Estate ay nag-aalok ng impormasyon at mga mapagkukunan para sa pagbabago ng pautang at pag-iwas sa pagreremata.
Housing and Urban Development (HUD) (HUD)
Maghanap ng mga lokal na nonprofit na organisasyon na maaaring mag-alok ng tulong sa pabahay, alamin ang tungkol sa pag-iwas sa pagreremata, at hanapin ang isang rehiyonal na awtoridad sa pabahay.
Kagawaran ng mga Serbisyo sa Komunidad at Pag-unlad (Department of Community Services and Development)
Pag-uugnay sa mga tao sa tulong sa enerhiya sa bahay, interbensyon sa krisis sa enerhiya, at mga programa sa weatherization para sa may mababang kita.
Komisyon ng Pampublikong mga Utilidad ng California (California Public Utilities Commission o CPUC)
Kinokontrol ng CPUC ang mga serbisyo at mga utilidad na pinoprotektahan ang mga kumukonsumo, pinangangalagaan ang kapaligiran at tinitiyak ang akses ng mga taga-California sa ligtas at maaasahang imprastraktura ng utilidad at mga serbisyo.
CalCAPA
Mga lokal na serbisyo kabilang ang mga utilidad at tulong sa pag-upa.
Mga Serbisyo sa Pagtatrabaho at Pagsasanay
America’s Job Center of California SM (AJCC)
ANG AJCC ay nag-aalok ng iba't ibang mga serbisyo na nagdadala sa mga taga-empleyo na may mga bakanteng posisyon at mga kwalipikadong naghahanap ng trabaho nang walang gastos. Maaari mong kontakin ang iyong lokal na AJCC para sa tulong sa pagpapadala sa koreo o fax ng aplikasyon para sa seguro sa kawalan ng trabaho (Unemployment Insurance).
Mga Oportunidad sa Pag-a-aprentis
Matuto nang higit pa tungkol sa mga pagkakataon sa pag-a-aprentis sa pamamagitan ng website ng "I Built It!" (Itinayo Ko Ito!) sa Kagawaran ng Relasyong Pang-industriya.
Mga Mapagkukunan sa COVID-19
CA Website ng COVID-19
Opisyal na website para Tugon sa California Coronavirus (COVID-19)
Proteksyon sa Pananalapi at mga Scam
Kawanihan ng Pinansyal na Proteksyon sa Tagakonsumo
Ang Kawanihan ng Pinansyal na Proteksyon sa Tagakonsumo ay isang ahensya ng gobyerno ng Estados Unnidos na tinitiyak na patas ang pakikitungo sa iyo ng mga bangko, nagpapahiram, at iba pang kumpanya sa pananalapi. Ang website nito ay mayroon ding kapaki-pakinabang na impormasyon sa utang sa pabahay at kasalukuyang mga proteksyong pederal.
Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng California
Impormasyon tungkol sa Pandaraya sa Modipikasyon ng Utang at mga Iskam sa Pagsagip sa Pagreremata
Kagawaran ng Pinansyal na Proteksyon at Inobasyon
Ang Kagawaran ng Pinansyal na Proteksyon at Inobasyon ng California (DFPI) ay nagbibigay ng proteksyon sa mga tagakonsumo at serbisyo sa mga negosyong nakikibahagi sa mga transaksyong pinansyal. Nag-aalok din ang DFPI ng proteksyon sa pagreremata at impormasyon tungkol sa iba pang mapagkukunan ng tulong
Tulong para sa mga Negosyo
COVID-19 CA Tulong sa Maliit na Negosyo
Mga Mapagkukunan para sa mga Maliliit na Negosyo na apektado ng COVID-19
Estados Unidos Administration ng Maliit na Negosyo (Small Business Administration o SBA)
Nag-aalok ang SBA ng tulong para sa maliliit na mga negosyong apektado ng COVID-19.
Kagawaran ng Pangangasiwa ng Buwis at Bayad ng California
Makakuha ng tulong at ekstensyon para sa pagsusumite ng mga buwis sa estado.
Lunas sa Utang sa Credit Card
Pandaigdigang Pamamahala ng Pera (Money Management International)
Isang nonprofit na organisasyon na nag-aalok ng payo sa utang.
Saklaw ng Medikal at Pangangalagang Pangkalusugan
Covered CaliforniaTM
Isang pamilihan para sa mga nais malaman kung sila ay karapat-dapat sa pinansyal na tulong at bumili ng seguro sa kalusugan, kabilang ang Medi-Cal. Tutulungan ka nila upang pumili ng isang plano na pinakamahusay para sa iyong pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan at ang iyong badyet. Maaari ka ring makakuha ng tulong sa pagbabayad para sa iyong pangangalagang pangkalusugan o maging kwalipikado para sa Medi-Cal.
Covered California para sa Maliit na Negosyo
Isang pamilihan kung saan ang mga negosyong may hanggang 100 empleyado ay maaaring mag-aplay para sa pagkakasakop para sa kanilang mga manggagawa. Ang mga maliliit na negosyo ay maaaring mag-alok sa mga empleyado ng isang pagpipilian mula sa abot-kaya, pinakamataas na kalidad, may tatak na seguro sa kalusugan, sa loob ng badyet na itinakda ng kumpanya. Ang ilang maliliit na negosyo ay maaaring maging karapat-dapat para sa mga pederal na kredito sa buwis.
Programa ng Serbisyong Medikal ng County
Nag-aalok ang mga county ng pangangalagang pangkalusugan para sa mga taong mababa ang kita na hindi karapat-dapat para sa iba pang tulong.
Mga Klinikang Pangkalusugan ng Komunidad
Makakatulong sa iyo ang California Primary Care Association na makahanap ng klinikang pangkomunidad.
COBRA
Maaaring ipagpatuloy ng mga kwalipikadong indibidwal ang mga benepisyo ng segurong pangkalusugan ng grupo sa mga panahon ng kawalan ng trabaho.
Tulong sa Serbisyong Pantao
Mga Ahensya sa Pagtanda sa Lugar ng California
Tumutulong sa mga matatanda at kanilang pamilya na matukoy ang mga serbisyo at oportunidad.
Pakikipagtulungan Upang Wakasan ang Karahasan sa Tahanan ng California (California Partnership to End Domestic Violence o CPEDV)
Nagbibigay ng mga referral sa mga lokal na tagapagbigay ng serbisyo (service provider), mga tirahan, mga serbisyong legal at higit pa.
Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata (Child Support Services)
Humiling ng mga pagbabago sa iyong mga kautusan ng suporta sa anak dahil sa pagkawala ng trabaho o mga benepisyo sa Seguro sa Kawalan ng Trabago.
Asosasyon ng mga Direktor ng Kapakanan ng County ng California (County Welfare Directors Association of California o CWDA)
Isang non-profit na asosasyon na nagpo-promote ng isang sistema ng serbisyo ng tao na naghihikayat sa pagsasarili ng mga pamilya at komunidad at nagpoprotekta sa mga mahihinang bata at matatanda mula sa pang-aabuso at kapabayaan. Ang asosasyon na ito ay isinusulong ang mga serbisyo ng county.
First 5 California
Mga kapaki-pakinabang na mapagkukunan at impormasyon para sa mga magulang at tagapag-alaga na may mga batang edad 0 hanggang 5.
Tulong sa Pagkain
Nagbibigay ang CalFresh ng buwanang tulong sa pagkain sa mga tao at pamilyang may mababang kita, kabilang ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Bisitahin ang GetCalFresh.org para mag-apply online sa loob ng 10 minuto. Ikaw ay kakapanayamin ng iyong county. Kung maaprubahan, maaari kang makakuha ng hanggang $234 bawat buwan sa mga benepisyo sa pagkain.
Asosasyon ng mga Bangko ng Pagkain (California Association of Food Banks)
Sa California, ang mga organisasyon ng pederal, estado, at lokal na komunidad ay nagtutulungan upang matiyak na ang mga pamilihan ay makukuha sa mga lokal na bangko ng pagkain.
Libreng Programa sa Tanghalian sa Tag-init (Summer Lunch Program)
May mga libreng tanghalian para sa lahat ng batang wala pang 18 taong gulang, anuman ang kita.
Mga Pagkain sa Paaralan
Libre o pinababang presyo na almusal at tanghalian sa mga pampublikong paaralan kapag may sesyon.
Programa ng Kababaihan, mga Sanggol at mga Bata (Women, Infants and Children o WIC).
Ang mga buntis na kababaihan at mga batang wala pang 5 taong gulang ay tumatanggap ng suporta sa nutrisyon sa WIC.